Mamasa-masa pa ang simoy ng hangin; damang dama kung gaano ito kapresko—dulot na rin siguro ng mahinang ambon kagabi at halos wala pang namumutawing sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Natigil ang aking pagmumuni-muni nang biglang gumuhit ang mahapding pakiramdam sa aking ulo. Agad naman akong napalingon sa kung saan man nanggaling yung pwersang tumama sa akin. "Anong tinatanga-tanga mo diyan! Lumapit ka nga rito at kunin mo 'tong karton." Sa pagmamadali